Pages

Friday, December 30, 2011

Happy New Year

Super memorable ang 2011 for me. Ang dami kong nakilala and eventually naging friends. Ang daming events and places na napuntahan. And most of all, halos lahat ng idols ko nakita ko this year. CHRIS TIU, ELY BUENDIA, ENCHONG DEE and most of all WESTLIFE na akala ko imposible ko nang makita. Pero mabait si God kasi binigyan pa rin niya ako ng chance na makita sila before that split-up thing. And i wish makita ko pa sila for the last time this 2012 (crossed fingers). Masaya ako na naexperience ko ang lahat ng ito. At hinding hindi ko malilimutan ang lahat nang ito.

I hope 2012 will be a better year for all of us. Personally I hope to be more mature and wiser especially in decision making this year. Sana matupad ko na din ngayon 2012 ung mga goal ko in life. A better career, better job, better living for my family and a lovelife. Hehe :))

MARAMING SALAMAT sa inyong lahat na nakilala at nakasama ko ngayong 2011. Sa lahat nang kabaliwan, sa lahat ng saya, lungkot at conflict na naranasan... And SORRY naman sa mga nakatampuhan ko at may galit sa akin (kung meron man... kasi alam ko mabait ako eh).


HAPPY NEW YEAR everyone!!! God bless and I love you all!


Karen :)

Monday, December 5, 2011

A Wonderful Journey

Since we are already in the last month of the year and I’m sure it’s going to be a very busy month for all of us. So before it happen, I take this opportunity to say THANK YOU to each and everyone of you guys especially to my Tiunatic Friends who’ve always there for me, nakasama ko sa lahat ng lakaran kay Chris Tiu man o hindi.

Super unforgettable ang year 2011 para sa akin. Ang daming nangyari in my life this year. Almost all my idols nakita and na meet ko personally na hindi ko inakala. And some of you have a big part on it kaya iyon nangyari. Dito lang ako nakakilala ng mga tao na nakakarelate sa mga kaadikan ko sa buhay. Kaya naman super thankful ako sa inyo and of course to Chris Tiu kasi kung hindi dahil sa kanya hindi ko kayo makikilala.

I’ve been a Chris Tiu fan since 2008 and sa pagkakatanda ko this year lang naging super active ni Chris sa ating mga fans niya (what do I mean is mas napadalas natin siya nakita this year than before) via his two outreach, basketball games, mall tours, and out-of-town appearances. And I’m proud to say na naging active ako sa halos lahat ng iyon. It’s been my happiness to be Tiunatic… I’m so proud to be Tiunatic!

Alam ko darating din ang panahon na titigilan ko din ang lahat ng ito (maybe in time na mag private life na siya at magpakasal… huhuhu). At hindi ko rin alam kung hanggang kailan ako magiging super active sa group na ito but whatever happen I absolutely never forget all the memories that I have with these group.

THANK YOU and LOVE YOU ALL!




Karen :)

Wednesday, November 30, 2011

Buhay Fanatico


Mahirap, nakakaloka, minsan nakaka-stress at higit sa lahat nakakabutas ng bulsa pero masaya, ito ang buhay fangirl. 10 years ago nang magsimula akong maging fangirl. Ang kauna-unahan kong hinangaan ay ang Irish Boyband na WESTLIFE.

Ilang taon ang lumipas bago nasundan ito. Sumunod sa kanila si LINDSAY LOHAN pero pansamantala lamang iyon dahil sa na turn-off ako sa kanya dahil sa mga negative issues. Nahilig din ako sa mga KOREANOVELAS and KOREAN STARS.

Sa local naman... Iilan lang din silang mga hinahangaan ko. Pagdating sa local singer, isa lang talaga ang tumatak sa akin at iyon ay ang nag-iisang si ELY BUENDIA. Sa larangan naman ng sports, nag-iisa lang din sa buhay ko si CHRIS TIU. At noong 2009 muli silang nadagdagan at iyon ay ang loveteam na sila ERICH GONZALES and ENCHONG DEE.

Dahil sa pagmamahal ko sa kanila kinokolekta ko lahat ng bagay na may kinalaman sa kanila katulad ng cd's/dvd's, posters, magazines etc. Kahit nga mga pictures nila sa ibat't ibang lugar at mga billboards ay hindi ko pinapalagpas at talagang kinukunan ko. Hehe

Hindi ko alam kung hanggang kailan ako mahuhumaling sa kanila pero kahit kailan ay hindi ko pinagsisisihan na hinangaan ko sila sapagkat ibang SAYA ang naidulot nila sa aking buhay.


Karen :)

Monday, November 28, 2011

My Official First Entry :)

Hi everyone! After 2 years ngayon ko lang talaga seseryosohin ang magsulat sa blogspot na ito. Ang totoo nyan, gumawa lang naman talaga ako nito para makapag comment sa mga blog ng idol ko na si Mr. Chris Tiu that's it period. Hindi naman kasi talaga ako magaling magsulat and wala rin akong hilig sa pagsusulat. Pero kelan lang napag isip-isip ko na bakit kaya hindi ko na lang gamitin ang blogspot na ito para i-share ang mga interest ko sa buhay para naman hindi sayang di ba? So I decided na i-share sa blogspot na ito ang interest at pinagkakaabalahan ko sa buhay in the past 10 years... Ang pagiging FANGIRL.


eto ako noon (student)....


















at eto na ako ngayon!


Karen :)

Tuesday, January 27, 2009

First Entry

hi to everyone! at last meron na rin akong blog... ang saya!!! you know, noon ko pa talagang gustong magkaroon ng blog, but i don't have enough time to make it kaya im so happy na at last nakagawa na rin ako... hehe=) i hope you like it...