Pages

Wednesday, November 30, 2011

Buhay Fanatico


Mahirap, nakakaloka, minsan nakaka-stress at higit sa lahat nakakabutas ng bulsa pero masaya, ito ang buhay fangirl. 10 years ago nang magsimula akong maging fangirl. Ang kauna-unahan kong hinangaan ay ang Irish Boyband na WESTLIFE.

Ilang taon ang lumipas bago nasundan ito. Sumunod sa kanila si LINDSAY LOHAN pero pansamantala lamang iyon dahil sa na turn-off ako sa kanya dahil sa mga negative issues. Nahilig din ako sa mga KOREANOVELAS and KOREAN STARS.

Sa local naman... Iilan lang din silang mga hinahangaan ko. Pagdating sa local singer, isa lang talaga ang tumatak sa akin at iyon ay ang nag-iisang si ELY BUENDIA. Sa larangan naman ng sports, nag-iisa lang din sa buhay ko si CHRIS TIU. At noong 2009 muli silang nadagdagan at iyon ay ang loveteam na sila ERICH GONZALES and ENCHONG DEE.

Dahil sa pagmamahal ko sa kanila kinokolekta ko lahat ng bagay na may kinalaman sa kanila katulad ng cd's/dvd's, posters, magazines etc. Kahit nga mga pictures nila sa ibat't ibang lugar at mga billboards ay hindi ko pinapalagpas at talagang kinukunan ko. Hehe

Hindi ko alam kung hanggang kailan ako mahuhumaling sa kanila pero kahit kailan ay hindi ko pinagsisisihan na hinangaan ko sila sapagkat ibang SAYA ang naidulot nila sa aking buhay.


Karen :)

1 comment: